CAJIDIOCAN, Romblon – Malubhang tama sa ulo ang natamo ng German national matapos itong maaksidente dahil sa pagkabundol isang tumawid na asong gala dakong 10:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 13, 2023 sa Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon.
Ang biktima ay nakilala na si Riener Harenkamp, 75 taong gulang, may-asawa, negosyante, German national at nakatira sa Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng Cajidiocan Municipal Police Station, sakay umano ang biktima sa kanyang kulay itim na Honda XR 150L papunta sa Poblacion ng Cajidiocan at pagdating sa National Road ng Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon ay isang asong gala umano ang biglang tumawid ng kalsada at nahagip ng motorsiklong minamaneho ng biktima at dahilan para ito ay tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na agad na dinala sa Sibuyan District Hospital para malapatan ng agarang lunas. Kalaunan ay inilipat ang biktima sa Romblon District Hospital sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon. (Tony M. Macalisang)







Add Comment