Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaking senior citizen na nakipag-inuman sinakitan ng tiyan, namatay - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaking senior citizen na nakipag-inuman sinakitan ng tiyan, namatay

Lalaking senior citizen na nakipag-inuman sinakitan ng tiyan, namatay

SAN ANDRES, Romblon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaking senior citizen na sinakitan ng tiyan habang nakipag-inuman sa kanyang pinsan kahapon ng umaga, Nobyembre 14, 2023 sa Barangay Marigondon Norte, San Andres, Romblon.

Kinilala ang biktima na si Gidion Gusi Francisco, 62 taong gulang, balo, magsasaka at residente ng Barangay Marigondon Norte, San Andres, Romblon.

Sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, ang biktima kasama ang kanyang pinsan na nakilalang si Danny Francisco, 54 taong gulang na kabarangay ng biktima ay nagkayayaan na mag-inuman dakong 6:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 14, sa harap ng isang tindahan na pag-aari ni Ginang Maria Lynie Riego ng nasabing barangay.

Pagsapit ng 8:00 ng umaga nagreklamo umano ang biktima sa kanyang pinsan na masakit ang kanyang tiyan at mayamaya pa ay humiga ito sa lapag sa harap rin ng naturang tindahan. Umalis naman ang pinsan ng biktima na si Danny para kumuha ng pampahid na gamot (ointment) para sa sakit ng tiyan sa kanilang bahay.

Dakong 10:40 ng umaga dumating naman si Editha Gadon na kabarangay ng biktima na may bibilhin sa tindahan at napansin nito ang nakahigang biktima sa lapag na hindi na humihinga na kanya ring sinabi sa may-ari ng tindahan. Dahil dito kanilang tinawag si Rosemarie Rosero, Barangay Health Worker ng kanilang barangay para suriin ang biktima. Pagkatapos masuri nalaman ni Rosemarie na wala nang pulso ang biktima at isinailalim niya ito sa CPR (cardiopulmonary resuscitation) ngunit bigo ito.

Sa tulong ng mga tauhan ng San Andres MPS na kanilang tinawagan ay dinala ang biktima sa San Andres District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng sumuring manggagamot na si Dra. Maria Gianina A. Tangonan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng San Andres MPS ang kabuuang pangyayari sa pagkamatay ng nasabing biktima. (Tony Miñano Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment