ALCANTARA, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki na pangalawa sa Most Wanted sa bayan ng Alcantara, Romblon nitong dakong hapon ng Setyembre 12, 2023 sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.
Ang lalaki ay kinilala na si John Barbon Ortillo, 53 taong gulang, may-asawa, vendor at residente ng Sitio Longon, Barangay Camili, Alcantara, Romblon.
Hinuli si Ortillo ng mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon noong Mayo 11, 2022 sa paglabag sa Sec 5 (b) ng RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3182.
Nasa halagang P180,000.00 ang rekomendang piyansa ng Korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang nasabing lalaki ay inilagay sa kustodiya ng Alcantara MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment