Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki sinaksak ng kinakasama pagkatapos mag-away sa inuman - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki sinaksak ng kinakasama pagkatapos mag-away sa inuman

Lalaki sinaksak ng kinakasama pagkatapos mag-away sa inuman

ODIONGAN, Romblon – Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kinakasama dakong 9:40 ng gabi ng Agosto 20, 2023 sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Henry Ferry Falible, 56 taong gulang, may asawa, habang ang itinuturong suspek ay si Joana Mendoza Salvid, 29 taong gulang, dalaga, walang trabaho at parehong nakatira sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ang biktima at ang suspek na nagsasama sa iisang bubong ay nasa inuman ng isang may handaan ng kaarawan. Habang nasa selebrasyon ng nasabing okasyon ay kinuha umano ng suspek ang cellphone ng kinakasamang biktima at itinapon sa lapag at nasira.

Pagkatapos ng insidente ay umuwi umano ang dalawa sa kanilang inuupahang bahay at doon ay nag-away ang dalawa. Maya-maya pa ay kumuha umano ng kutsilyo ang babaeng suspek, at paalis naman ang biktima ngunit bago pa ito tuluyang nakaalis ay sinaksak ito ng suspek na tinamaan sa likod.

Dumating naman umano ang kanilang landlady na si Glady Lyn Fadrigore at tinulugan na makaalis ng bahay ang biktima na dinala ng mga kapitbahay sa Romblon Provincial Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Odiongan MPS at ikinasa ang hot pursuit operation na nagresulta sa pagkahuli sa suspek at nakuha dito ang ginamit na patalim.

Inihahanda ng Odiongan MPS ang pagsampa ng kasong Frustrated Homicide sa tanggapan ng Provincial Prosecutor’s laban sa suspek. (Romblon Sun Staff)  

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment