Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
3 Mayor ng Romblon pumirma sa Manifesto ng Good Governance - Romblon Sun
Home » Blog » 3 Mayor ng Romblon pumirma sa Manifesto ng Good Governance

3 Mayor ng Romblon pumirma sa Manifesto ng Good Governance

Bilang pagtugon sa kanilang adbokasiya at programa na tapat na paglilingkod sa mamamayan, tatlong Punong Bayan ng lalawigan ng Romblon ang lumagda sa Mayors for Good Governance (M4GG).

Ang tatlong alkalde na pumirma ay sina Mayor Trina Firmalo Fabic ng Odiongan, Mayor Gerard Montojo ng Romblon, at Mayor Riza Pamorada ng Alcantara.

Ang Mayors For Good Governance ay isang samahan ng kinabibilangan ng mga lokal na punong ehekutibo ng Pilipinas na naghahangad na ipagkaisa at magserbisyo ng tapat sa kanyang komunidad at labanan ang korapsyon sa bansa.

Nakasaad sa manifesto   ang panawagan at pangako ng mga nagkaisang alkalde na manindigan para sa mabuting pamamahala at pagsisilbi para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Bahagi ng nakasaad sa manifesto na, “As duly-elected Mayors of the Philippines, we solemnly pledge our unwavering commitment to uphold the principles of good governance and serve the best interests of our constituents.”

Ilan sa mga prinsipyo ng nakalagay sa manifesto ang pagkaroon ng mataas na pamantayan ng integridad at transparency, aktibong partisipasyon ng mamamayan, makatao, at pagsunod sa batas na umiiral, at pantay na pag-unlad.

Base sa datos nasa mahigit 80 na meyor sa buong bansa  ang pumirma sa manifesto kabilang ang anim sa MIMAROPA na kinabibilangan nina Mayor Fabic, Mayor Montojo at Mayor Pamorada. (Tony Miñano Macalisang)

 

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment