3 bahay natupok ng apoy sa Santa Fe, Romblon

SANTA FE, Romblon – Tatlong magkakalapit na bahay ang nilamon ng apoy nitong nakalipas na araw sa Barangay Magsaysay, Santa Fe, Romblon.

Base sa ulat ng Santa Fe Municipal Police Station, ang nasabing bahay ay pagmamay-ari umano ni Lopito Solangon.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Santa Fe, nagsimula umano ang sunog sa bahay ni Solangon dakong 10:27 ng umaga ng naturang araw, hanggang sa madamay ang dalawang katabing mga bahay na yari sa materyales na kahoy.

Itinuturong dahilan ng sunog ay ang naiwanan umanong katol (mosquito coil) sa kuwarto ng bahay ng biktima.

Hindi pa tukoy ang halaga ng pinsala sa nasabing sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP Santa Fe ang naturang insidente. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment