ODIONGAN, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki matapos mabilhan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation dakong 9:45 kagabi, Pebrero 4, 2025 sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na si Anthony Gonzalvo, 31 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan MPS, ang pinagsanib na mga tauhan ng Odiongan MPS (lead unit), Romblon RMFC, Romblon PIU, RID MIMAROPA Romblon CIT sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA ay nagsagawa ng buy-bust operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) piraso na “heat sealed plastic sachet” na naglalaman ng pinaghihinalaan na ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P3,000.00.
Ang suspek at ang nakuhang mga ebidensiya ay dinala sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang pagsusuri.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Odiongan MPS ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Rpublic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RSun Staff)







Add Comment