ODIONGAN, Romblon – Diretso sa kulungan ang itinuturing na “Priority High Value Individual” (PHVI) matapos madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga kapulisan sa Sitio Bagong Sikat, Barangay Anahao, Odiongan, Romblon dakong 9:45 kagabi, Pebrero 8 taong kasalukuyan.
Ang lalaking suspek ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) na si Alexander Sobremonte, 43 taong gulang, drayber at residente ng Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan MPS, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na mga tauhan ng Odiongan MPS (lead unit), katuwang ang Romblon PMFC, Romblon PIU, RID MIMAROPA Romblon CIT sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.
Narekober ng mga operatiba sa posisyon ng suspek ang sampung (10) piraso na heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, isang libong perang papel na ginamit sa buy-bust operation at isang coin purse.
Ang nakuhang ilegal na droga sa suspek ay may timbang na humigit kumulang sa 0.0950 gramo at tinatayang nagkahahalaga ng P20,000.00.
Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RSun Staff)







Add Comment