Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Pampasaherong jeep nawalan ng preno, ibinangga ng driver sa gilid ng kalsada, mga pasahero sugatan - Romblon Sun
Home » Blog » Pampasaherong jeep nawalan ng preno, ibinangga ng driver sa gilid ng kalsada, mga pasahero sugatan

Pampasaherong jeep nawalan ng preno, ibinangga ng driver sa gilid ng kalsada, mga pasahero sugatan

LOOC, Romblon – Sugatan ang mga sakay ng pampasaherong jeep matapos ibangga ng drayber sa gilid ng kalsada ang nawalan ng preno na sasakyan dakong 1:00 ng hapon kanina, Enero 28 sa National Road ng Sitio Cogon, Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Kinilala ang drayber ng pampasaherong jeep na si Jaime Delos Reyes Mangao, 84 anyos at residente ng barangay Poblacion, Looc, Romblon.

Sa ulat ng Looc Municipal Police Station, galing umano sa bayan ng Odiongan ang pampasaherong jeep na “Lovely” na minamaneho ni Mangao.  Sakay nito ang pitong pasahero,  dalawang bata at dalawang konduktor.

Napansin umano ng drayber na hindi gumagana ang preno ng sasakyan. At imposible umano itong huminto dahil halos pababa na ang direksyon ng kalsada.

Dahil sa naturang sitwasyon ay nagdesisyon ito na ibangga ang jeep sa mataas na gilid ng kalsada upang maiwasan ang malalim na bangin sa paliko-likong daan sa naturang lugar.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumagilid ang sasakyan at dahilan para masugatan ang mga sakay ng jeep na “Lovely”.

Agad namang dinala sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital ang lahat na mga pasahero kabilang ang drayber na si Mangao.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Serious Physical Injury ang inihahandang isampa ng Looc MPS sa tanggapan ng Piskalya laban sa drayber ng pampasaherong jeep. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment