Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Grocery store nasunog sa San Agustin, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Grocery store nasunog sa San Agustin, Romblon

Grocery store nasunog sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon – Isang tindahan ang tinupok ng apoy dakong madaling araw kahapon, Enero 29, 2025 sa Sitio Centro, Barangay Dona Juana, San Agustin, Romblon.

Ang tindahan ay nasa bahay na pagmamay-ari ng retiradong Philippine Coast Guard na si Paterno Magracia Miralles, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga residente, nagulat umano sila ng makarinig ng pagsabog. Kaya lumabas sila ng kanilang bahay para usisain ang dahilan ng pagsabog.

Nakita na lang umano nila ang usok mula sa tindahan na “Tess Store” na sinundan ng apoy.

Mabilis namang tumawag ng tulong ang mga residente sa BFP ng San Agustin at sa San Agustin Municipal Police Station na agad kumilos upang rumesponde sa nasabing sunog.

Dakong 1:40 ng madaling araw dineklarang fire-out ng BFP San Agustin ang sunog.

Walang naman naiulat na nasaktan sa naturang pangyayari.

Hindi pa batid ang sanhi ng nasabing sunog at ang halaga ng tinamong pinsala.

Patuloy pa umano sa kanilang pag-iimbestiga ang BFP San Agustin. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment