Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaking lasing na nandayo at nanghamon ng away, nataga - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaking lasing na nandayo at nanghamon ng away, nataga

Lalaking lasing na nandayo at nanghamon ng away, nataga

SANTA MARIA, Romblon – Sugatan sa mukha at balikat ang isang lalaki na nanghamon ng away matapos itong mataga ng kanyang dinayo at inakat ng away nitong hapon ng Linggo sa Sitio Ilaya, Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon.

Ang nataga na lalaki ay nakilala na si Efren Inocencio Gabao, 44 anyos, binata, walang trabaho habang ang suspek ay napag-alaman na si Byran Fillarca Gregorio, 32 taong gulang, may kinakasama, construction worker at kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Santa Maria Municipal Police Station, habang nagkakape umano ang suspek na si Gregorio sa kanyang bahay ay dumating ang nakainom ng alak na biktima na si Gabao at hinamon ng away ang suspek.

Puwersahan umanong pumasok si Gabao sa bakuran ni Gregorio kung saan ay sinipa nito ang pintuan ng bakod.

Dahil dito ay kumuha umano ng gulok sa loob ng kanyang bahay ang suspek. Sinubukan din umano nitong kumbinsihin ang biktima na umalis ng kanyang bakuran, ngunit sa halip ay sinugod umano ng biktima ang suspek.

Bilang pagdepensa sa sarili, ay gumanti ang suspek at kanyang tinaga ang biktima na tinamaan sa bandang kanang parte ng mukha at balikat.

Isang kalugar na ginang ang namagitan at sinaway ang dalawang nag-aaway.

Umalis ang biktima at humingi ng tulong. Agad itong dinala sa Don Modesto Formilleza Hospital sa bayan ng Looc, Romblon ng mga tauhan ng MDRRMO Santa Maria.

Dinakip naman ng mga nagresponding kapulisan ng Santa Maria MPS ang suspek at isinailalim ito sa kanilang  kustodiya.

Kasalukuyan inihahanda ng Santa Maria MPS ang pagsampa ng kaso laban sa suspek sa Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan, Romblon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment