ODIONGAN, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang senior citizen na isa sa most wanted person sa lalawigan ng Romblon dakong umaga ng nakalipas na araw sa Barangay Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon.
Ang hinuli ay kinilala na si Dominador Latade Supetran alias “Sir Dom”, 67 taong gulang, walang asawa, jobless, at nakatira sa Barangay Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon at ika-9 sa Top Ten Most Wanted person sa listahan ng Romblon PPO (Provincial level).
Si alias Sir Dom ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU (lead unit), Odiongan Municipal Police Station, RID MIMAROPA-ROMBLON CIT, RIU 4B-PIT Romblon, PIU Romblon at PHPT Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na insiyu noong Enero 13, 2025 ni Hon. Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Four Counts sa paglabag sa Section 5(b) of RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case Nos. OD-3639, OD-3640, OD- 3641 at OD-3642.
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P180,000.00 bawat kaso.
Ang inarestong senior citizen ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment