ODIONGAN, Romblon – Nasakote ang isang ng lalaki na kawani ng TIELCO sa ilegal na tupada sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon dakong hapon ng Enero 26, 2025.
Ang nahuli ay nakilala na si Johnmil Espinosa Forio, 20 taong gulang, binata, lineman ng TIELCO at residente ng Barangay Anahao, Odiongan, Romblon, habang ang dalawa pang lalaking suspek na “at-large” ay kinilala na sina Kenneth Arcasitas at Alfred Fadero, parehong nasa hustong gulang at kapwa residente ng Barangay Anahao, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nakatanggap umano sila ng tawag na may nangyayaring ilegal na tupada sa nasabing lugar.
Dahil dito, sa pangunguna ng Odiongan MPS katuwang ang mga tauhan ng RID MIMAROPA Romblon, PIU Romblon at Romblon PMFC ay ikinasa ang operasyon laban sa ilegal na tupada kung saan ay nagresulta sa pagkahuli sa nasabing suspek.
Base sa ulat ng Odiongan MPS, pagdating ng mga operatiba sa lugar ay nakita umano nila ang mga suspek na abala sa ilegal na aktibidad.
Noong magpakilala ang mga pulis, ay agad nahuli ang suspek ngunit nakaeskapo naman ang iba pa na nagtakbuhan sa iba’t-ibang direksyon.
Narekober sa posisyon ng suspek ang dalawang sasabunging manok, isang kahon na may laman na tari, mga electrical tapes, sinulid, at dalawa pang color tape, at iba pa, pera na ginamit na pangtaya na nagkahahalaga ng P1,000.00.
Dinala at isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS ang suspek na nahaharap sa paglabag sa PD 449 as amended PD 1602.
Kasalukuyang inihahanda ng Odiongan MPS ang pagsampa ng kaso sa Piskalya laban sa mga suspek. (RSun Staff)







Add Comment