Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
2 motorista naaksidente dahil sa pagtawid ng asong gala sa San Fernando, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » 2 motorista naaksidente dahil sa pagtawid ng asong gala sa San Fernando, Romblon

2 motorista naaksidente dahil sa pagtawid ng asong gala sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon – Kapwa sugatan ang dalawang motorista na naaksidente dahil sa biglang pagtawid ng asong gala dakong 4:00 ng hapon ng Enero 5, 2025 sa Barangay Panangcalan, San Fernando, Romblon.

Ang mga biktima ay nakilala na sina Joseph Robiso Ruga, 55 taong gulang, at residente ng Barangay Panangcalan, San Fernando, Romblon at Rolando Ruado Royo, 82 anyos, at nakatira sa Barangay Poblacion, Cajidiocan, Romblon.

Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station, sakay umano ng kanyang electric bike na tinatahak ni Ruga ang kalsada papunta sa direksyon ng bayan ng San Fernando at kasunod naman nito si Royo na parehong binabaybay ang iisang direkyon.

Pagsapit sa lugar ng insidente ay bigla umanong tumawid ang isang asong gala kung saan ay napalihis ang sinasakyang e-bike ni Ruga at dahilan para mabangga ito ng kasunod na motorsiklo na minamaneho ng senior citizen na si  Royo.

Dahil sa pangyayari ay parehong tumilapon ang dalawa sa kalsada at dahilan para magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.

Agad namang isinugod sa Sibuyan District Hospital ang mga biktima.

Ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente ay dinala sa San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)

 

 

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment