Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
2 barbero tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » 2 barbero tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

2 barbero tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Arestado ang dalawang suspek na barbero sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan laban sa ilegal na droga dakong 7:20 ng gabi ng Disyembre 7, 2024 sa Barangay, Liwanag, Odiongan, Romblon.

Ang mga dinakip ay kinilala na 28 taong gulang na binata, barbero, at residente ng Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon at walang asawa na 31 anyos, barbero, at nakatira sa Barangay Poblacion, Ferrol, Romblon.

Base sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na operatiba ng MDEU ng Odiongan MPS (lead unit), PDEA Romblon, RPMFC Odiongan, RID PRO MIMAROPA Romblon CIT at Romblon PIU sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA na nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek matapos maisagawa ang transaksyon.

Isang tauhan na pulisya na nagpanggap na “poseur buyer” ang nakabili sa suspek ng isang piraso na heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ang isang libong piso (1,000.00) na marked money.

Nakuha rin sa posisyon ng mga suspek ang dalawa pang piraso na pakete na naglalaman ng  pinaghihinalaang ilegal na droga.

Ang pagkuha ng mga ebidensiya at litrato ay isinagawa sa naturang lugar na sinaksihan ng opisyal ng barangay, representante mula sa tanggapan ng piskalya at kinatawan ng media.

Ang nakuhang ilegal na droga mula sa mga suspek ay tinatantiyang may timbang na MOL 0.0544 grams na nagkahahalaga ng humigit kumulang sa dalawang libong piso (P2,000.00).

Ang mga suspek at ang nakumpiskang mga ebidensya ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa ng Odiongan MPS sa Piskalya laban sa dalawang lalaking suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment