LOOC, Romblon – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga kapulisan nitong Disyembre 5, 2024 sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Ang suspek ay nakilala na isang 48 taong gulang na magsasaka, may kinakasama at residente ng Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Base sa ulat ng Looc Municipal Police Station (LMPS), isang pinagsamang buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Looc MPS at Romblon Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) at Romblon PPO PIU na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.
Isang tauhan ng pulisya ang nagpanggap ng poseur buyer ang nakabili sa suspek ng dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang dalawang P500.00 na ginamit na marked money.
Pagkatapos ng transaksyon ay nagpakilala ang pulis at hinuli ang suspek, ngunit nagpumiglas umano ito at itinapon ang “marked money”.
Sa tulong ng iba pang miyembro ng kapulisan ay nagapi ang suspek.
Isinagawa ang body search sa suspek sa nasabing lugar sa harap ng mga testigo na sina Hon. Macario G. Gallos Barangay Kagawad ng Barangay Limon Norte, Looc, Romblon at kinatawan mula sa Spin media na si Randie S. Visca.
Narekober sa posisyon ng suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money at dalawa pang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Isinailalim sa kustodiya ng Looc MPS ang suspek kung saan ay sasampahan ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Tanggapan ng Piskalya sa Odiongan, Romblon. (RSun Staff)







Add Comment