Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
2 suspek huli sa pangbubugbog at tangkang pananaksak sa estudyante sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » 2 suspek huli sa pangbubugbog at tangkang pananaksak sa estudyante sa Odiongan, Romblon

2 suspek huli sa pangbubugbog at tangkang pananaksak sa estudyante sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Arestado ang dalawang lalaking suspek dahil sa pangbubugbog at tangkang pananaksak sa isang estudyante dakong 12:20 ng madaling araw nitong Disyembre 8, 2024 sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si John Ledjurd Villanueva Guevarra, 20 taong gulang, estudyante at tubong Naujan, Oriental Mindoro at kasalukuyang nakatira sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon, habang ang mga suspek ay napag-alaman na sina Melmar Almazan Gabay, 19 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Progreso Este, Odiongan, Romblon at Jaypee Fabito Novisnio, 18 anyos, binata, estudyante at residente ng Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.

Base sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, pauwi na umano ang biktima sa kanyang tinutuluyan kasama ang dalawa nitong kaibigan. Dumaan muna sila sa bahay ng isa nilang kaibigan.

At habang naroon sila ay bigla na lang umanong lumapit ang mga suspek sa biktima at walang dahilan na pinagsusuntok ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nagawa namang lumaban ng biktima upang ipagtanggol ang sarili at sinuntok rin nito ang isang suspek.

Bumunot umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima, ngunit nagawa naman nitong maiwasan ang pananaksak at tumakbo at humingi ng saklolo.

Nagawa namang makapagresponde ang mga opisyal ng barangay at tanod ng Barangay Liwanag, Odiongan at dinakip ang dalawang suspek. Narekober sa posisyon ng mga ito ang dalawang patalim.

Personal na isinuko ni Barangay Chairman Luis Fabic ng Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon ang dalawang suspek sa Odiongan MPS.

Kasong Physical Injury at Violation of BP 6 (Illegal Possession of bladed weapon, pointed or blunt weapon) ang inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa Piskalya laban sa dalawang suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment