Home » Blog » Lalaking Most Wanted Person ng Romblon, arestado

Lalaking Most Wanted Person ng Romblon, arestado

SANTA FE, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang lalaki na may mandamyento de aresto noong ito ay hulihin ng mga kapulisan dakong 10:40 ng gabi sa Barangay Tabugon, Santa Fe, Romblon.

Kinilala ang dinakip na si Renan Ganan Frande, 18 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng nasabing barangay. Siya ay ika-10 sa top ten most wanted person sa listahan ng Romblon PPO sa regional level.

si Frande ay inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station (lead unit), Romblon PIU, Romblon CIT-RID at Romblon PIT-RIU 4B sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Oktubre 3, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa paglabag sa Article 266-A(2) in relation to Section 5(b) RA 7610 as amended by RA 11648 sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3593, OD-3594, at OD-3595.

Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P200,000.00 sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang dinakip na lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Santa MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (Romblon Sun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment