MAGDIWANG, Romblon – Tuloy na tuloy na ang pagpasok sa pulitika ng premyado at outstanding na Principal ng DepEd Romblon na si Principal IV Sir Noel Joseph Marin Machon sa darating na halalan 2025 sa susunod na taon.
Si Machon ay kakandidato sa pagka Alkalde ng Bayan ng Magdiwang, Romblon, Isla ng Sibuyan sa ilalim ng Nationalista Party (NP).
Makakaharap ng One of the finalist for Most Outstanding Principal of the Philippines at 2026 Presidential Lingkod Bayan Awardee ang kasalukuyang Punong Bayan ng Magdiwang na si Mayor Arthur Rey Tansiongco.
Magiging katandem ni Machon ang dating Alkalde ng Bayan at ngayon ay kasalukuyang number 1 na Sangguniang Bayan Member Dennisa Rabino Repizo.
Isa rin sa makakasama niya sa kanyang partido bilang konsehal ay ang kasalukuyang Bise Alkalde na si Antonio R. Menese.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga nakaupong konsehal ngayon ng Bayan ng Magdiwang ay aanib sa tiket ni Principal Machon. Kabilang dito ay sina SB member Jun Caleja, SB member Unique Muros, SB member Marcial Ruallo at SB member Jhone Rugas.
Makakasama rin sa line-up ni Sir Noel sina dating FEU Professor Jhonny Rocha, Engr. Ken Nepomuceno at dating Konsehal Budiol Macalipay.
Sa panunungkulan ni Principal Machon sa DepEd-Romblon, nakitaan siya ng mahusay na pamumuno, siya ay naging Pangulo ng National Association of Public Secondary School Head, Inc. (NAPSSHI) ng buong lalawigan ng Romblon. Pangrehiyong Pangulo ng MIMAROPA – NAPSSHI at Pangalawang Pangulo ng NAPSSHI sa buong Pilipinas. Siya rin ang Officer-In-Charge ng Boy Scouts of the Philippines, Romblon Council.
Siya rin ang Chairman of the Board of Directors ng DepEd Division Teacher and Non-Teaching Multi-Purpose Cooperative (DTNTMPC) at Chairman of the Board of Directors ng Ugnayan ng mga Kooperatiba ng Romblon (UKR). Siya rin ang Pangulo ng Parish Pastoral Council (PPC) ng Nuestra Seniora dela Candelaria, Parokya ng Libertad, Odiongan, Romblon.
Matatandaan na naging Principal si Machon ng Agnipa National High School (Romblon), Cajidiocan National High School (Sibuyan), Looc National High School (Tabls) Odiongan National High School (Tablas) bago siya nailipat sa Magdiwang National High School sa Bayan ng Magdiwang, Romblon na kanyang alma mater.
Sa kanyang maayos at dekalidad na pamamahala ay lalong napabuti ang nasabing mga paaralan. (Tony Miñano Macalisang)








Add Comment