ODIONGAN, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki na top-8 most wanted person ng Batangas PPO na may kasong carnapping nitong pasado ala-una ng hapon ng Setyembre 12, 2024 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang lalaki na si John Lloyd Mora Magada, 22, binata, laborer at tubong Barangay Iluran, Romblon, Romblon at kasalukuyang nakatira sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon at top 8 Most Wanted Person ng Batangas PPO (Provincial level).
Si Magada ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Romblon PMFC (lead unit) katuwang ang Warrant Section ng Batangas Component City Police Station, Odiongan Municipal Police Station at PHPT Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Hulyo 29, 2024 ni Hon. Joanna R. Arellano, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 8 ng Batangas City, sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) sa ilalim ng Criminal Case No. 24-32118.
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P300,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang hinuling lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng mga tauhan ng Warrant Section ng Batangas Component City Police Station para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)








Add Comment