Home » Blog » Lalaking lasing nalunod sa dagat sa Romblon, Romblon, patay

Lalaking lasing nalunod sa dagat sa Romblon, Romblon, patay

ROMBLON, Romblon – Walang malay ng dalhin sa ospital ang isang karpentero matapos itong malunod sa dagat dakong 6:00 ng umaga ng Hunyo 23 sa Barangay Mapula, Romblon, Romblon.

Napag-alaman na ang biktima ay si Garry Mesana Marquina, 48 anyos, binata, karpentero at residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon

Sa imbestigasyon ng Romblon Municipal Police Station, noong 10:30 ng gabi ng Hunyo 22, ang biktima at ang kaibigan nito na si William Mercurio ay nag-inuman at dakong 2:00 ng madaling araw ng Hunyo 23 ay umuwi na umano sa Mercurio sa kanilang bahay upang matulog dahil sa dami nang nainom.

Habang ang biktima naman ay pumunta sa dagat na sakop ng Barangay Mapula para magpa-presko umano.

Noong 6:30 ng umaga ng naturang araw, isang nagngangalang Romel Moaje Madrid ang pumalaot upang mangisda at kanyang nadiskubre ang katawan ng biktima sa ilalim ng dagat na anim (6) na talampakan ang lalim. Agad niya itong inahon at humingi ng tulong.

Sa tulong ng mga kapitbahay ay isinugod sa Romblon District Hospital ang biktima para mabigyan ng kaukulang lunas, ngunit dakong 8:00 ng umaga ng nasabing araw ay idineklara itong binawian nang buhay.

Ayon sa tatay ng biktima, tuwing malalasing umano ang biktima ay kinaugalian nitong pumunta ng dagat para mapreskuhan umano ang sarili. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment