Home » Blog » Barangay Tanod na tumawid ng kalsada nabangga ng motorsiklo sa Odiongan, naospital

Barangay Tanod na tumawid ng kalsada nabangga ng motorsiklo sa Odiongan, naospital

ODIONGAN, Romblon – Sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dinala sa ospital ang isang Barangay Tanod matapos itong mabundol ng isang motorsiklo nitong nakalipas na araw sa National Road ng Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Danilo Salvador Fernando, 66 anyos, may-asawa, Barangay Tanod at residente ng Sitio Bulwang, Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon, habang ang itinuturong suspek na nakabangga sa biktima ay si Mark Anthony Gas Cruzada, 30 taong gulang, binata, security guard at residente ng Barangay Pag-Alad, San Andres, Romblon.

Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), ang biktima ay naglalakad umano sa tabi ng national road ng Barangay Gabawan habang ang suspek naman ay sakay ng kanyang motorsiklo na Yamaha Mio 125 at binabaybay ang nasabing kalsada.

Pagsapit sa lugar ng insidente, ay bigla umanong tumawid ng kalsada ang biktima at aksidente itong nahagip ng mabilis na paparating na motorsiklo na minamaneho ng suspek.

Parehong sumemplang sa kongkretong kalsada ang biktima at ang suspek na nagtamo ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Agad naman itong isinugod sa Romblon Provincial Hospital ng mga nagrespondeng tauhan ng MDRRMO Odiongan sakay ng kanilang ambulansiya.

Ang sangkot sa aksidente na motorsiklo ay dinala sa Odiongan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment