Menor de edad nagpatiwakal, sulat paalam iniwan sa ilalim ng unan

ALCANTARA, Romblon – Malungkot ang naging wakas ng isang menor de edad na babae na naisipang magpatiwakal dakong 5:20 ng hapon kahapon, Marso 25 sa Sitio Tuburan, Barangay Camili, Alcantara, Romblon.

Base sa ginawang imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, huling nakitang buhay ng kanyang mga kapitbahay ang biktimang si alyas “Nene” dakong 5:10 ng hapon pagdating nito mula sa kanilang eskwelahan.

At noong 5:30 ng hapon pagpasok ni Johnrey Magpili sa kanilang bahay ay nagulat ito nang makita niyang nakabitin ang biktima sa kisame ng bahay na may nakataling kumot sa kanyang leeg.

Dali-dali nitong tinawag ang kanyang tatay at kanilang inalis ang nakataling kumot sa leeg ng biktima at agad na isinugod sa Don Modesto Formilleza Hospital sa bayan ng Looc, Romblon ngunit idineklara itong “dead on arrival” ng sumuring doktor ng nasabing ospital.

Napag-alaman na may iniwang sulat ang biktima na kanyang inilagay sa ilalim ng unan at nakapangalan sa kanyang Tita Sally na nagpapasalamat sa ibinigay na pagmamahal at mga huling habilin sa mga nakasama sa bahay.

Ayon sa pulisya, wala umanong foul play na naganap dahil sa ebidensya na iniwang sulat ng pamamaalam ng biktima.

Sa dagdag na imbestigasyon may problema umano sa pamilya ang biktima. (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment