Bagong panganak na sanggol natagpuan na walang ulo at paa sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Isang bagong silang na sanggol na walang ulo at paa ang natagpuan kahapon ng umaga, Marso 25, 2024 sa Sitio Sabang, Barangay Buenavista, Looc, Romblon.

Pinagbigay alam umano ni Barangay Kagawad Freda Mariano Lauriano ng nasabing barangay sa Looc MPS ang pagkadiskubre ng mga residente sa wala nang buhay na katawan ng bagong silang na bata.

Agad namang dinala ng mga tauhan ng Looc MPS ang bangkay ng kasisilang na sanggol sa Don Modesto Formilleza Hospital pala malaman kung ano ang kasarian at dahilan ng kamatayan ng naturang nilalang.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Looc MPS kaugnay sa nasabing pangyayari. (AMM)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment