CAJIDIOCAN, Romblon – Arestado ang isang security guard ng unibersidad ng lalawigan sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan kontra ilegal na droga dakong 3:30 ng umaga ng Marso 22, 2024 sa Barangay Sugod, Cajidiocan, Romblon.
Kinilala ang suspek na si Florante Rojas Tansiongco alyas “Batz”, 39 taong gulang, may kinakasama, Security Guard ng Romblon State University (RSU) – Cajidiocan Campus, at residente ng nasabing lugar.
Base sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station (CMPS), isang buy-bust operation kontra ilegal na droga ang ikinasa laban sa suspek ng pinagsanib na tauhan ng Romblon PDEU, Romblon PDEU, RDEU MIMAROPA at Cajidiocan MPS kung saan isang tauhan ng pulisya ang nagpanggap na buyer at nakabili sa suspek ng isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang isang libong piso (P1,000.00) na “marked money”.
Pagkatapos na transaksyon ay isinagawa ang isang senyas at dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Sa isinagawang pagsisiyasat sa suspek ay nakarekober pa ang mga operatiba ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit kumulang sa 0.1 grams. Kasama rin sa nakuha sa posisyon ng suspek ang ginamit na marked money na halagang isang libong piso.
Ang pag-imbentaryo at pagmarka ng nakuhang mga ebidensya sa suspek ay isinagawa sa harap at presensya ng suspek na sinaksihan nina Hon. Josefina Magpantay at Hon. Emmanuel Rabalo mga Barangay Kagawad ng Barangay Sugod, Cajidiocan, Romblon.
Ang suspek at ang narekober ng mga ebidensya ay dinala sa Romblon PDEA Field Office para sa kaukulang disposisyon.
Kasong paglabag sa Section 5 and 11, Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang inihahandang isampa ng kapulisan sa Tanggapan ng Provincial Prosecutors sa Romblon, Romblon laban sa suspek. (Tony Miñano Macalisang)






Add Comment