ROMBLON, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang tricycle drayber na may mandamyento de aresto dakong umaga ng Marso 23, 2024 sa Barangay Poblacion II, Romblon, Romblon.
Ang lalaking hinuli ay nakilala na si Tereso Madalang Mortel, Jr., 34 anyos, may kinakasama, tricycle driver, at residente ng Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.
Si Mortel ay inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Marso 20, 2024 ni Hon. Cristita A. Rivas-Santos, Presiding Judge ng Romblon Municipal Trial Court, Romblon, Romblon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide (RPC, Article 365), sa ilalim ng Criminal Case No. 4808.
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P60,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang hinuling suspek ay dinala sa Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (AMMacalisang)






Add Comment