CALATRAVA, Romblon – Hulog sa kamay ng batas ang isang lalaking top 1 most wanted person sa Buong MIMAROPA nitong umaga ng Marso 15, 2024 sa Barangay Poblacion, Calatrava, Romblon.
Kinilala ang dinakip na lalaki na si Allan Fajutag Fajutagana, 52 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay Poblacion Calatrava, Romblon.
Si Fajutagana ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU at PIU Romblon (lead unit), kasama ang Taytay Rizal Municipal Police Station Tracker Team, PIT/RIZAL RIU 4A, RIT RIZAL/RID 4A, RID PRO MIMAROPA, Romblon CIT, Romblon PMFC, Calatrava MPS at PHPT Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Agosto 12, 2023 ni Hon. Mauricio M. Rivera, Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 73, Antipolo City sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 02-24402.
Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang hinuling lalaki ay nasa ilalim ng kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)






Add Comment