ODIONGAN, Romblon – Diretso sa kulungan ang isang lalaki matapos na masakote sa ginawang anti-illegal drug operation (buy-bust) ng kapulisan nitong 8:45 ng gabi, Pebrero 23, 2024 sa Barangay Tabing-dagat, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang dinakip na suspek na si Donnie John Magnaye Santos, 41 taong gulang, may-asawa, HVI, walang trabaho, at nakatira sa Barangay Tabing-dagat, Odiongan, Romblon.
Si Santos ay hinuli matapos na makabili ang isang undercover agent ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na pinaghihinalaang “shabu” kapalit ng halagang P1,000.00 na ginamit bilang “buy-bust money”.
Nakuha pa sa posisyon ng suspek ang isa pang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at pera na ginamit sa naturang buy bust operation.
Ang pagsagawa ng imbentaryo, pagkuha ng mga litrato pagmarka sa nakumpiskang ebindensya ay ginawa sa harap ng suspek, at nina Hon. Arlene V. Fabiculana, Punong Barangay ng Brgy. Tabing-dagat, Myrna V. Famero, representante ng NPS, at Antonio Macalisang, kinatawan ng Media.
Ang nakuhang ilegal na droga at iba pang ebidensya at ang suspek ay dinala sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para isalang sa masusing pagsusuri.
Kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang inihahandang isampa sa Korte ng Odiongan MPS laban sa suspek.
Ang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment