Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Babae nagpatiwakal sa loob ng kanyang kuwarto sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Babae nagpatiwakal sa loob ng kanyang kuwarto sa Odiongan, Romblon

Babae nagpatiwakal sa loob ng kanyang kuwarto sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Natagpuang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ang isang babae dakong 1:20 ng hapon ng Pebrero 23 sa Sitio Looban, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si alyas “Roxan”, 21 taong gulang, dalaga, walang trabaho at residente ng Barangay San Pio Quinto, Malvar, Batangas.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, dumating sa kanyang bahay ang umano’y kinakasama ng biktima na si John Lloyd dakong 12:05 ng hapon ng nasabing araw para matulog sa kabilang kuwarto dahil sa pagod umano ito. At noong 1:20 kinatok ni John Lloyd ang kuwarto ng biktima ngunit wala umanong sumasagot at napansin nito na nakakandado ang pinto. Kaya’t nagpasya ito na buksan ang bintana sa gilid ng kuwarto na kung saan ay nagulat ito sa kanyang nakitang nakabitin na katawan ng biktima na may nakatali na ribbon sa kanyang leeg.

Agad itong humingi ng tulong sa kanyang kapatid na lalaki at babae na nasa sala ng kanilang bahay.

Kanilang ibinaba ang biktima mula sa pagkabitin at mabilis na dinala sa Romblon Provincial Hospital para sa kaukulang medikasyon.

Sa kasamaang palad noong 2:09 ng hapon ay dineklarang wala nang buhay ang biktima ng sumuring manggagamot.

Sa pagsiyasat ng pulisya, wala namang nakita na may paghahamok o anumang palatandaan na may foul play sa pagkamatay ng biktima, maliban sa marka nito sa leeg dahil sa pagkabitin.

Ayon kay John Lloyd, napansin nila na malungkot umano ang biktima dahil sa huminto ito sa kanyang pag-aaral. Hinimok umano ito na maghanap ng trabaho at  magsama sila ng kanyang kinakasama. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment