Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Italyanong dayuhan na wanted sa kanilang bansa dinakip sa Santa Fe, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Italyanong dayuhan na wanted sa kanilang bansa dinakip sa Santa Fe, Romblon

Italyanong dayuhan na wanted sa kanilang bansa dinakip sa Santa Fe, Romblon

SANTA FE, Romblon – Isang lalaking dayuhan mula sa Italya na tumakas sa kanilang bansa ang hinuli ng kapulisan dakong 10:40 ng umaga ng Pebrero 23, 2024 sa Sitio Campong, Barangay Canyayo, Santa Fe, Romblon.

Ang lalaki ay kinilala na si Flavio Riga, 63 taong gulang, Italian national at kasalukuyang nakatira sa Barangay Canyayo, Santa Fe, Romblon.

Si Riga ay inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (lead unit) at Santa Fe Municipal Police Station (SFMPS) sa bisa ng Mission Order No. 2024-023 na inisyu ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit sa pagiging isang Fugitive from Justice ng Italian Embassy sa Pilipinas at Interpol National Central Bureau (NCB Manila), Philippines Center on Transnational Crime (PCTC).

Ang nasabing dayuhan ay kinasuhan sa National Level ng Korte ng Udine, Rome, Italy sa ilalim ng Order No. 216 na insyu noong Marso 12, 2014.

Napag-alaman pa na ang passport ng nasabing banyaga ay nag-expire na mula pa noong Setyembre 27, 2019 at wala itong kaukulang travel documents  para sa patuloy nitong pananatili sa Pilipinas.

Ang inarestong dayuhan ay isinailalim sa kustodiya ng FSU agents ng Bureau of Immigration para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

(Tony Miñano Macalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment