Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mga pasahero ng barko papuntang Sibuyan, naistranded sa Romblon, Romblon, RMPS umalalay - Romblon Sun
Home » Blog » Mga pasahero ng barko papuntang Sibuyan, naistranded sa Romblon, Romblon, RMPS umalalay

Mga pasahero ng barko papuntang Sibuyan, naistranded sa Romblon, Romblon, RMPS umalalay

ROMBLON, Romblon – Naistranded sa pantalan ng Romblon, Romblon ang mga pasahero ng barko na Starhorse na papunta sa Sibuyan kahapon ng umaga, Enero 25, 2024 dahil sa umano’y masamang panahon.

Humigit kumulang sa 160 na pasahero na sakay ng barkong MV Virgin de Penafrancia X ng Starhorse Shipping Lines mula sa Dalahican, Lucena City at papuntang isla ng Sibuyan ang pansamantalang ibinaba sa puerto ng Romblon, Romblon.

Naglagay naman ng Police Assistance Desks (PADs) sa naturang lugar ang Romblon Municipal, Police Station (RMPS) sa pamumuno ni PMaj Gemie Mallen, ACOP, upang alalayan ang mga naistranded na mga pasahero sa kanilang mga pangangailangan habang nasa Romblon, Romblon. (RSun Staff).

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment