DASMARINAS CITY, Cavite – Nahuli ng kapulisan ang top 2 most wanted person ng probinsya ng Romblon nitong 10:00 ng umaga ng Enero 25, 2024 sa Barangay Paliparan II, Dasmariñas City, Cavite.
Ang dinakip na lalaki ay nakilala na si Ramil Prizaldo Ramo alias “Habok”, 35 anyos, walang asawa, tubero, at residente ng Barangay Canjalon, San Fernando, Romblon.
Si Ramo na pangalawa sa listahan ng “Top Ten Most Wanted Person” sa lalawigan ng Romblon ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng CIDG-Romblon PFU, San Fernando Municipal Police Station, Santa Fe MPS, Romblon PIU, RIU 4B, RID 4A, Dasmarinas CCPS, RMFB 4A-HQ at 401st AMC sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Enero 23, 2024 ni Honorable Edwin B. Buffe, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 106, Cajidiocan, Romblon sa kasong Rape (2 counts) under Article 266-A of the Revised Penal Code, as amended by RA 11648 sa ilalim ng Criminal Case No. SF-072 at Criminal Case No. SF-073.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang nahuling lalaki ay dinala sa CIDG-Romblon PFU para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment