ODIONGAN, Romblon – Arestado ang isang binatang gitarista sa isang anti-illegal drug operation (buy-bust) ng kapulisan dakong 11:30 ng gabi ng Enero 27, 2024 sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na si Earl Magracia Fajutagana, 35 taong gulang, binata, nasa watch list, gitarista at residente ng Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon.
Sa imbestigasyon na ginawa ng Odiongan MPS, ang MDEU ng Odiongan MPS (lead unit) at PDEA Romblon, sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA ay nagsagawa ng anti-illegal drug operation kung saan isang PDEA agent na nagpanggap na “kustomer” ang nakabili sa suspek ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng halagang P2,000.00.
Pagkatapos ng transaksyon ay hinuli ang suspek ng kapulisan.
Maliban sa nabiling unang heat sealed transparent plastic sachet ay nakakuha pa sa posisyon ng suspek ng isa pang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, pera, kasama na ang ginamit sa buy-bust at motorsiklo na Yamaha MiO i 125.
Ang pag-imbentaryo, pagkuha ng litrato, at pagmarka ay ginawa sa naturang lugar ng operasyon, sa harap ng suspek at sinaksihan ito nina Hon. Mark Magallanes, isang Barangay opisyal, Jonathan Fababeir, (NPS representative) at ni Antonio Macalisang, kinatawan ng media.
Ang nakuhang mga ebidensya at ang suspek ay dinala sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.
Ang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS.
Kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa Korte laban sa hinuling suspek. (RSun Staff)







Add Comment