Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Bangkay ng senior citizen nakitang nakalutang sa kanal ng irigasyon sa San Andres, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Bangkay ng senior citizen nakitang nakalutang sa kanal ng irigasyon sa San Andres, Romblon

Bangkay ng senior citizen nakitang nakalutang sa kanal ng irigasyon sa San Andres, Romblon

SAN ANDRES, Romblon –  “Dead on Arrival” ng dalhin sa ospital ang biktimang senior citizen na nakita ng pauwi nang grupo ng mga mangingisda na nakalutang sa irrigation canal dakong madaling araw ng Disyembre 22, 2023 sa Sitio Proper, Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si Ernesto Faller Factor, 65 taong gulang, mangingisda, at residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS), huling nakita ang biktima na nag-iisang umiinom ng alak na gin bilog malapit sa bahay ng kanyang anak na si Amelyn F. Suner noong 11:30 ng gabi ng Disyembre 21.

Maari umanong aksidenteng nadulas ang biktima sa kanal ng irigasyon at dahil sa kalasingan ay natuluyan na itong nalunod.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima kundi aksidente lamang ang pagkalunod nito sa irrigation canal. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment