Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki timbog sa buy-bust ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki timbog sa buy-bust ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

Lalaki timbog sa buy-bust ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ROMBLON, Romblon – Isang lalaking drayber ang nasakote sa isinagawang anti-illegal drug operation (Buy-Bust), ng mga kapulisan nitong 1:50 ng hapon ng Disyembre 24, 2023 sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Ang suspek ay kinilala na si Ronald Fiedra Perez, 50 taong gulang, may kinakasama, driver, at residente ng Sitio Malipayon, Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ang MDEU ng Odiongan MPS sa coorinasyon ng PDEA MIMAROPA ay nagsagawa ng anti-illegal drug operation (buy-bust) na nagresulta sa pagkahuli sa nasabing suspek.

Ayon sa Odiongan MPS, nakabili ang isang “undercover agent” na nagpanggap na kustomer ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na hinihinalang shabu sa suspek kapalit ang halagang P1,000.00.

Nakuha pa sa posisyon ng suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na hinihinalang shabu, isang kulay pink na nakarolyo na bond paper na naglalaman ng pinatuyong dahon na pinagsususpektahang marijuana, mga perang papel kabilang ang ginamit sa buy-bust, mga baryang pera, kulay blue na lighter, dalawang helmet at isang motorsiklong SYM.

Ang pagsagawa ng imbentaryo sa nakuhang ibedensya mula sa supek at pagmarka ay isinagwa sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng suspek na sinaksihan nina Barangay Captain Judy Formilos ng Barangay Budiong, Odiongan, Romblon, Atty. Rafael B. Familaran ng DOJ at ni Antonio Macalisang, representante mula sa media.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS kung saan ito ay nahaharap sa paglabag sa Sec 5 at 11 Article II ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) na inihahandang isampa sa Korte ng Odiongan MPS laban sa suspek. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment