Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Tauhan na nagpalusot ng mga paninda mula sa bodega sumuko sa pulisya - Romblon Sun
Home » Blog » Tauhan na nagpalusot ng mga paninda mula sa bodega sumuko sa pulisya

Tauhan na nagpalusot ng mga paninda mula sa bodega sumuko sa pulisya

SAN AGUSTIN, Romblon – Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang isang tauhan na nakadestino sa bodega matapos na mabisto ang pagpapalusot nito ng mga binibentang paninda dakong 9:00 ng umaga ng Disyembre 21, 2023 sa Barangay Cagbo-aya, San Agustin, Romblon.

Ang biktima at may-ari ng tindahan ay si Annaliza Mindo Firmalo, 53 taong gulang, may-asawa, negosyante at nakatira sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon habang ang itinuturong suspek ay si Joshua Soriano Alvarez, 53 taong gulang, walang asawa, laborer at residente ng Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.

Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, sa nasabing oras, petsa, at lugar ay bumisita umano ang negosyanting may-ari na si Ginang Firmalo sa kanyang bodega sa Barangay Cagboaya, San Agustin, Romblon. Pagdating sa naturang lugar, ay isinumbong sa kanya ng isa niyang manggagawa na si Pepito Orosio ang pagpapalusot umano ng suspek kasama ang isang nagngangalang Bruno Maganoy kung saan ay nagdeliver umano ang mga ito mga panindang materyales na kinabibilangan ng 3 rolyo ng cyclone wire, 12 bags ng semento, 1 rolyo ng hose, 1 rolyo ng hog wire na may kabuuang halaga na P18, 015.00 sa isang tao sa Barangay Carmen, San Agustin, Romblon.

At dakong 9:45 ng umaga ay dumating umano sa bodega ang suspek at kinompronta ito ng biktimang may-ari. Agad naman umanong umamin ang suspek na kinuha niya at idiniliver ang nasabing mga kalakal na  walang kaukulang permiso mula sa may-ari. Sinabi rin nito na hindi niya ipagtatapat ang nasabing delivery kung hindi umano siya nabisto.

Pagkatapos ng nasabing komprontahan ay boluntaryong sumuko sa San Agustin MPS ang suspek,

Kasong Qualified Theft ang inihahandang isampa ng San Agustin MPS na idadaan sa inquest proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office sa Romblon, Romblon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment