SAN ANDRES, Romblon – Halos magkasunod na nalambat ng kapulisan ang tatlong nangunguna na Most Wanted Person sa kasong rape sa bayan ng San Andres, Romblon nitong hapon ng Disyembre 2, 2023.
Unang inaresto ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Andres at Top 2 sa Regional Level na si Jafet Gaciles Tambuon, 18 taong gulang, karpentero at residente ng Sitio Timbawan, Barangay Calunacon, San Andres, Romblon, dakong 1:30 ng hapon sa nasabing barangay ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station kasama ang mga operatiba mula sa PIU, at Romblon Provincial Mobile Force Company
Sumunod na dinampot sa Barangay Calogo, Calatrava, Romblon ang Top 3 na Most Wanted Person sa Municipal Level na si Jonel Gaciles Tambuon, 20 taong gulang, binata, laborer at residente ng Barangay Calunacon, San Andres, Romblon noong 3:00 ng hapon ng mga tauhan ng Calatrava MPS.
Dakong 3:20 ng hapon ay nahuli ang pangatlong suspek sa Barangay Dona Trinidad, San Andres, Romblon na Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level na si Donnie Rey Fernandez Fabella, 20 taong gulang, estudyante at residente ng Barangay Poblacion, San Andres, Romblon ng mga operatiba ng San Andres MPS at RPMFC.
Ang tatlong suspek dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Nobyembre 29, 2023 ni Executive Judge Edwin B. Buffe, ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon, sa kasong paglabag sa Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3323, 3324, 3325, 3326, 3327, 3328, 3333, 3334.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek. (AMM)







Add Comment