Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Binata pinaghahampas ng tubong bakal ng nakaalitang driver sa isang lamayan sa Alcantara, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Binata pinaghahampas ng tubong bakal ng nakaalitang driver sa isang lamayan sa Alcantara, Romblon

Binata pinaghahampas ng tubong bakal ng nakaalitang driver sa isang lamayan sa Alcantara, Romblon

ALCANTARA, Romblon – Walang malay na isinugod sa ospital ang isang binata na pinaghahampas ng tubong bakal ng isang nakaalitang drayber habang nasa lamayan kaninang alas 2:00 ng madaling araw ng Disyembre 1, 2023 sa Barangay Camili, Alcantara, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Gregorio Fernandez Galicha, 38 taong gulang, binata, laborer  habang ang suspek ay  kinilala na si Jeselo Antonio Galicia, 39 taong gulang, driver at pawang residente ng Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon.

Sa ginawang imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, nanonood umano ang biktima sa kanyang kapatid na naglalaro ng baraha sa isang lamayan sa kanilang lugar kung saan ay dumating naman umano ang suspek at walang kaabog-abog na hinampas nito ng tubong bakal sa likurang bahagi ng ulo ang biktima ng ilang beses. Dahil dito ay nawalan ng ulirat ang binatang biktima.

Mabilis umanong tumakas ang suspek dala ang ginamit nitong tubong bakal na pinanghampas sa biktima.

Agad namang dinala ang biktima ng kapatid nito sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon para mabigyan ng kaukulang lunas ang tinamo nitong sugat sa ulo.

Napag-alaman ng Alcantara MPS na may dati na umanong alitan sa pagitan ng biktima at suspek.

Patuloy pa umanong isinasagawa ang operasyon  ng mga tauhan ng Alcantara MPS para sa ikahuhuli ng suspek at masampahan ito ng kasong  Frustrated  Murder sa tanggapan ng Provincial Prosecutor. (Tony Miñano Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment