ALCANTARA, Romblon – Binawian na ng buhay ang binata na pinaghahampas ng tubong bakal sa ulo sa isang lamayan sa Barangay Camili, Alcantara Romblon noong madaling araw ng Disyembre 1, 2023.
Si Gregorio Fernandez Galicha, 38 taong gulang, at residente ng Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon ay namatay habang nasa ospital.
Matatandaan na ang biktimang si Galicha ay pinaghahampas umano ng tubong bakal sa likurang bahagi ng ulo ng suspek na si Jeselo Antonio Galicia, noong magpangabot sila sa isang lamayan, ayon sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station.
Napag-alaman na may dating alitan umano ang biktima at ang suspek.
Samantala, nahuli na rin ng Alcantara MPS ang suspek at kasalukuyang nakadetini sa kanilang himpilan sa Alcantara, Romblon. (TMMacalisang)







Add Comment