Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
MADRE NILOOBAN, WATER PUMP TINANGAY NG KAWATAN - Romblon Sun
Home » Blog » MADRE NILOOBAN, WATER PUMP TINANGAY NG KAWATAN

MADRE NILOOBAN, WATER PUMP TINANGAY NG KAWATAN

ODIONGAN, Romblon – Isang matandang madre ang ninakawan  ng water pump kahapon ng 1:30 ng madaling araw, Nobyembre 30, 2023 sa Barangay, Poctoy, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si Feliza Ema Catin, 81 taong gulang, madre ng Missionaries Sisters of Lord Table at residente ng Sitio Rapayon, Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon habang ang suspek ay nakilala na si Dante Carino  Bansoli, 43 taong gulang, binata, walang trabaho at nakatira sa Barangay Agnocnoc, Ferrol, Romblon.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, isang nagmamalasakit na residente ng Barangay Tabing-Dagat ang nagsumbong noong araw na iyon sa kanilang himpilan na ang kanyang kaibigan ay may nasita umanong tao (suspek) na may dalang isang water pump na pinaghihinalaan nilang ninakaw nito.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Odiongan MPS at kanilang nakita sa posisyon ng suspek ang isang kulay blue na 1.5 HP JPlus na water pump at dinala ito sa estasyon ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Samantala, sa nasabing araw ay dumulog  sa Odiongan MPS ang biktima para ireklamo ang pagkawala ng kanilang water pump dakong madaling araw. Nung ipakita ng pulisya sa biktima ang narekober na water pump sa suspek ay positibo itong nakilala ng biktima na kanya ang nasabing water pump.

Pursigido naman ang biktima na ituloy ang pagsampa ng reklamo laban sa suspek.

Kasong pagnanakaw ang inihahanda ng Odiongan MPS na isampa sa tanggapan ng Provincial Prosecutor laban sa nasabing suspek. (Tony M. Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment