Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Coral Adventurer Expedition Cruise Ship bumisita sa Magdiwang, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Coral Adventurer Expedition Cruise Ship bumisita sa Magdiwang, Romblon

Coral Adventurer Expedition Cruise Ship bumisita sa Magdiwang, Romblon

MAGDIWANG, Romblon – Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng bayan ng Magdiwang ang mga turista na sakay ng Coral Adventurer Expedition Cruise Ship na dumating dakong 8:30 ng umaga nitong nakalipas na araw sa pantalan ng  Ambulong, Magdiwang, Romblon.

Sa pagdating ng mga turista sa pier ng Ambulong ay masayang sinabitan ang mga ito ng mga kuwintas na gawa sa buto ng lokal na puno at hinabing baging ng nito habang nagpagpamalas naman ng kakaibang  ritwal na sayaw ang mga babae at lalaki na nagmula sa komunidad ng mga katutubo suot ang kanilang tradisyonal  na kasuotan.

Pagkaraan ng ilang sandali ang mga turista ay isinakay sa mga sasakyan at dinala sa Mt. Guiting-Guiting Natural Park kung saan ay kanilang nakadaupang palad si Mayor Arthur Rey Tansingco na kinikilala bilang bayani ng kalikasan ng isla ng Sibuyan.

Ang ibang mga turista ay ipinasyal sa Lambingan Forest Park na may natural na ganda ng kapaligiran at may malamig at malinaw na tubig na umaagos sa batis. Habang ang iba naman ay kuntento nang naiwan at nag-ikot sa poblacion ng Magdiwang, bumisita sa palengke, sa Rizal Park at pumunta sa bahay ni Mayor Tansingco

Bago bumalik sa barko ay nagkaroon ng pagpalutang ng mga bunot ng niyog na ginawang hugis bangka na nilagyan ng sariwang bulaklak at tinirikan ng bandila ng Australia na gawa sa papel.

Bandang tanghali ay sumakay na pabalik ang mga turista na tangan ang magandang alaalang karanasan mula sa maalab na pagtanggap ng mga residente ng Lokal na Pamahalaan ng Magdiwang, Romblon.

Ang Coral Adventure Expedition Cruise Ship ay may sakay na 78 na turista mula Australia, USA, Great Britain, New Zealand, at Canada ay dumiretso naman sa Cresta de Gallo sa bayan ng San Fernando, Romblon. (TMM)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment