Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki na may warrant of arrest sumuko sa Magdiwang MPS - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki na may warrant of arrest sumuko sa Magdiwang MPS

Lalaki na may warrant of arrest sumuko sa Magdiwang MPS

MAGDIWANG, Romblon – Kasama ang isang barangay opisyal ng kanilang barangay ay kusang dumulog ang isang lalaki na may warrant of arrest sa Magdiwang Municipal Police Station, Magdiwang, Romblon, para isuko ang sarili dakong umaga ng Hunyo 23, 2023.

Ang lalaki na sinamahan ng kanilang Barangay Kagawad ay nakilala na si Joey Moral Mago na residente ng Sitio Ilaya, Barangay Ipil, Magdiwang, Romblon.

Si Mago ay may Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Ma. Paz A. Besonaya, Presiding Judge ng 4th MCTC, Cajidiocan-Magdiwang-San Fernando, Romblon nong Hunyo 19, 2023 sa kasong Slight Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. 5632.

Ang lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Magdiwang MPS.

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment