ROMBLON, Romblon – Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang lalaking may madamyento de aresto nitong umaga ng Hunyo 19, 2023 sa Bayan ng Romblon, Romblon.
Ang lalaki na kusang dumulog sa himpilan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) ay nakilala na si Mark Falceso Mariño, 37 taong gulang, binata, marble engraver at nakatira sa Barangay Guimpingan, Romblon, Romblon.
Si Mariño ay binabaan ng Warrant of Arresto na inisyu ni Honorable Donna B. Pascual, Acting Presiding Judge of Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon noong Hunyo 13, 2023 sa ilalim ng kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 as amended by RA 11648 with CC No, FC-214-E-23 at may rekomendang piyansa na halagang P108,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Romblon Sun Staff)







Add Comment