ROMBLON, Romblon – Arestado ang isang senior citizen na mangingisda matapos itong isyuhan ng warrant of arrest nitong Hunyo 19, 2023 sa Sitio Bakong, Barangay Li-o, Romblon, Romblon.
Ang lalaking hinuli ay nakilala na si Dante Silverio Mariño, 70 taong gulang, may-asawa, mangingisda at residente ng Barangay Guimpingan, Romblon, Romblon.
Si Mariño ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Romblon Municipal Police Station, CIDG Romblon PFU (lead unit), Romblon PDEU at 4th Platoon Romblon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Donna B. Pascual – Acting Presiding Judge of Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsa na Hunyo 13, 2023 sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 as amended by RA 11648 with CC No. FC-213-E-23 at may rekomendang piyansa na halagang P108,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS ang nasabing lalaki para sa kaukulang dokumentasyon. (Romblon Sun Staff)







Add Comment