Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mag-amang nakasakay sa motorsiklo sinaksak ng lasing - Romblon Sun
Home » Blog » Mag-amang nakasakay sa motorsiklo sinaksak ng lasing

Mag-amang nakasakay sa motorsiklo sinaksak ng lasing

Kapwa sugatan ang mag-ama matapos saksakin ng nakainom na suspek nitong 4:30 ng hapon ng Hulyo 24, 2023 sa Sitio Marigold, Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

ODIONGAN, Romblon – Kapwa sugatan ang mag-ama matapos saksakin ng nakainom na suspek nitong 4:30 ng hapon ng Hulyo 24, 2023 sa Sitio Marigold, Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Kinilala ang mga biktima na si Aerron Sodoy Sanchez, 28 taong gulang at ang kanyang minor de edad na anak at parehong residente ng Sitio Bahay, Barangay Budiong, Odiongan, Romblon habang ang itinuturong suspek ay nakilala na si Joel Madrigal Forcado, 38 taong gulang, manggagawa at kabarangay ng biktima.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, pauwi na umano sa kanilang bahay ang mga biktima galing sa Budiong Beach resort sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Sanchez habang nasa tabi naman ng kalsada ang suspek na nasa ilalim ng espiritu ng alak.

Pagsapit ng mga biktima sa sa nasabing lugar ay walang umanong dahilan na bumunot ang suspek ng kusilyo at inundayan ng saksak ang dalawang biktima.

Nagtamo ng saksak si Sanchez sa kanang bahagi ng tiyan habang ang angkas nitong anak ay tinamaan sa kaliwang palad.

Matapos ang insidente ay dumiretso ang mag-ama sa Romblon Provincial Hospital para sa kaukulang lunas.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga tauhan ng Odiongan MPS sa ginawang follow-up operation ng kapulisan.

Ang ginamit na kutsilyo ng suspek ay hindi na narekober ng pulisya.

Inihahanda naman ng Odiongan MPS ang kasong frustrated homicide at RA 7610 na isampa sa korte laban sa suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment