CALAPAN CITY, Oriental Mindoro (PIA) — Nagbigay ng Fuel Subsidy ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Mimaropa sa may 135 na rehistradong mangingisda sa bayan ng Odiongan kamakailan.
Ayon kay BFAR Romblon Chief Luisito Manes, may P3,000 na laman ang kanilang mga subsidy cards at puwedeng gamitin pambili ng gasolina para sa kanilang mga bangka. Aabot sa 1,375 na mangingisda ang makakatanggap ng mga nabanggit na card sa buong lalawigan.
Samantala, may 29 rin na corn farmers sa bayan ang nabigyan ng fuel subsidy card ng Department of Agriculture-Mimaropa para naman sa kanilang mga makinang ginagamit sa kanilang mga sakahan.
Sinabi ni Manes na kailangan lamang umanong ipakita ng mga benepisyaryo ang kanilang card sa mga gasolinahang may point-of-sale system para ma-debit ang halaga ng subsidy card. (PJF/PIA MIMAROPA)







Add Comment