Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Bagong protocol sa uuwi sa ilang bayan sa Romblon, ipatutupad - Romblon Sun
Home » Blog » Bagong protocol sa uuwi sa ilang bayan sa Romblon, ipatutupad

Bagong protocol sa uuwi sa ilang bayan sa Romblon, ipatutupad

Simula Enero 6 hanggang Enero 30, magpapatupad ng mas mahigpit na protocol para sa mga ‘returning residents’ ang bayan ng Romblon, Romblon kasunod ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.

Sa resolusyon na ipinasa ng Municipal Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kailangan na ng mga fully-vaccinated individual na magpakita ng negatibong resulta ng kanilang Rapid Antigen Test bago payagang makapasok sa isla.

Papayagan rin makapasok ang mga unvaccinated na bata kung sila ay magpapakita ng negatibong swab o saliva RT PCR result bago bumiyahe at kailangang mag-undergo ng pitong araw na quarantine.

Ang mga fully-vaccinated individuals naman na papasok ng Romblon, Romblon galing sa ibang bayan ng probinsya ay kailangan lamang magpakita ng kanilang vaccination card.

Samantala, hindi naman papapasukin ng bayan ang mga hindi fully-vaccinated.

May paghihigpit rin sa bayan ng Magdiwang sa Sibuyan Island kung saan Enero 6 ay kailangang sumailalim sa pitong araw na home quarantine ang mga fully-vaccinated at 14-araw na home quarantine naman sa mga unvaccinated individuals.

Sinabi ng Magdiwang MDRRMO na ‘yung mga dumating naman aniya noong Enero 3-5, ay pinapayuhan sila na mag ‘voluntary o precautionary isolate’ o ihiwalay muna sa mga kasama sa bahay sa loob ng pitong araw bilang pag-iingat.

“Responsibilidad ng bawat isa ang kaligtasan ng nakararami. Isaalang-alang lagi ang ating pamilya, ang ating mga kaibigan at ang ating pamayanan sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID,” ayon sa kanila.

Wala pang inaanunsyo ang ibang bayan sa probinsya kung may pagbabago rin sa protocol nila sa susunod na mga araw. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment