Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Negative antigen test result, requirement sa paguwi sa probinsya ng Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Negative antigen test result, requirement sa paguwi sa probinsya ng Romblon

Negative antigen test result, requirement sa paguwi sa probinsya ng Romblon

Simula Janaury 11 ay kailangan na lahat ng papasok ng probinsya ng Romblon mula sa labas ng probinsya na magpakita ng negatibong resulta ng rapid antigen test na nakuha 12 hours bago bumiyahe.

Ito ay batay sa bagong executive order na inilabas ni Governor Jose Riano para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa probinsya.

Ang lahat rin ng lokal na pamahalaan sa probinsya ay inatasang gawing requirement ang paggamit ng SPASS.

Para naman sa inter-municipality movement, ang lahat ng fully-vaccinated ay papayagang makatawid sa iba’t ibang munisipyo basta magpapakita lamang ng vaccination card habang ang mga unvaccinated o hindi pa fully-vaccinatd ay papayagan lamang kung ito ay emergency reasons.

Hinihikayat rin ng gobernador ang mga LGU na magpasa ng ordinasa na maglilimita sa galaw ng mga unvaccinated individuals.

Ang nasabing mga kautusan ay magiging epektibo mula Enero 11 hanggang Enero 25 lamang maliban kung ito ay papahabain ng gobernador base na rin sa rekomendasyon ng Provincial IATF. (PJF/PIA Mimaropa)

 

Tags

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment