Sabayang naglatag noong hatinggabi ng Enero 9 ang mga kapulisan ng Romblon Police Provincial Office (PPO) at ang iba’t ibang Commission on Elections (Comelec) offices sa probinsya ng Romblon, kasabay rin ng pagsisimula ng 2022 National and Local Election season.
Ayon kay Col. Raynold Rosero, acting Provincial Director ng Romblon Police Provinccial Office, ang Philippine National Police (PNP)-Comelec-Armed Forces of the Philippines (AFP) checkpoints ay ilalatag mula Enero 9 hanggang Hunyo 8 para masigurong magiging mapayapa ang buong halalan at mapigilan ang mga karahasan, pagkalat ng mga armed groups, at krimen.
Kasabay rin nito ang pagsisimula ng election gunban kung saan pansamantalang suspendido ang mga Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) na mga may baril.
Suspendido rin ang binigay na permit ng PNP sa pag-travel ng mga firarms, ammunitions, explosives, public firearms display andex hibits, maging ang pagbibigay ng security personnel sa mga VIPs.
Aabot sa 172 na personnel ng Romblon PPO ang ikinalat sa mga checkpoint sa buong probinsya. (PJF/PIA MIMAROPA)







Add Comment