Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Ferrol, naabot na ang 'herd immunity' laban sa Covid-19 - Romblon Sun
Home » Blog » Ferrol, naabot na ang ‘herd immunity’ laban sa Covid-19

Ferrol, naabot na ang ‘herd immunity’ laban sa Covid-19

Naabot na ng bayan ng Ferrol ang ‘herd immunity’ matapos mabakunahan ang 70% na target ng Department of Health (DOH) sa kanilang adult population.

Sa ulat ng Provincial Health Office sa ginanap na Provincial Local Health Board Meeting noong Enero 4, iniulat na ang bayan ng Ferrol ay nakapagbakuna na ng 118% ng kanilang adult population o 5,932 na ang fully vaccinated sa target nitong 5,044.

Malapit na ring maabot ng bayan ng Odiongan ang herd immunity na ngayon ay may fully vaccinated nang 31,710 ng target population nitong 32,856.

Kasunod nito ang bayan ng Banton, at Concepcion.

Sa datus ng buong lalawigan, kailangan pa ng 22% ng probinsya upang maituring na may herd immunity na sa buong lalawigan.

Samantala, bagamat naabot na ng bayan ng Ferrol ang herd immunity, ipagpapatuloy pa rin ng mga health workers sa lugar ang pagbabakuna sa mga pwedeng bakunahan at ang pagbibigay ng mga booster shoots sa mga bakunado nang indibidwal. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment